Help - Search - Members - Calendar
Full Version: Daily News..
Welcome to Atenista.Net! > Current Issues > National Issues
Pages: 1, 2, 3, 4, 5
bryanne
tama.

'to, medyo fresh news.. wala daw gustong sumama sa line-up ng administration senatoriables?
Les Infanterie
^ hintayin ko na lang final line up talaga.
bryanne
kung meron(?)..
Les Infanterie
malamang meron. gusto kong matuloy yung elections!
bryanne
waste of everything. (almost)
Les Infanterie
at least alam kong nasusunod pa ang kostitusyon. at alam nating walang makakapanatili sa puwesto. kung manalo muli, eh di sige. kahit na rigged or not. at least dumaan sa "proseso"
bryanne
sa totoo lang, ayoko nang mapalitan ang government sa ngayon.. i'm satisfied. mapapasama lang (o sabi nung iba: lalo) ang bansa..
Les Infanterie
actually concern ko kasi sa local government. may gusto akong mapatalsik eh. biggrin.gif
pero sa national, kontento na ako. yung mga ayoko sa senado, hindi pa tapos ang term this may.
bryanne
hindi ko sasabihin na naeepalan ako kay jinggoy! haha. Lol.. laugh.gif
Les Infanterie
^ at sa nanay niya... mga istambay sa session hall. nagpapalamig lang sa aircon.
at dun sa may balak pang tumakbo ng mayor ng makati.
bryanne
^benta. haha..
Les Infanterie
QUOTE(Les Infanterie @ Jan 7 2007, 01:22 PM) *
^ at sa nanay niya... mga istambay sa session hall. nagpapalamig lang sa aircon.
at dun sa may balak pang tumakbo ng mayor ng makati.



haha naisip ko rin baka gusto niya mag training sa call center. hahaha! pati accent tinuturo... laugh.gif

^ hehe! tongue.gif
bryanne
QUOTE(Les Infanterie @ Jan 7 2007, 09:22 PM) *
at dun sa may balak pang tumakbo ng mayor ng makati.


sino nga 'to? hehe
Les Infanterie
yung laging naka revolver na 7-8 ang bala.
bryanne
as if i'm a big fan of pinoy action movies! hehe.. fpj, idol!

anyway, di ko pa rin maalala kung sino.
Les Infanterie
initials: L. L.
mr. suabe din.
may pelikula nitong nakaraan na MMFF pero flop sa takilya.
sana kilala mo na.

^ point ko lang, fake. revolver 6 lang kasha dun, pero puputok yung kanya ng 7-8 times. galeng grabe!
bryanne
^at hindi rin ako gun-owner. hehe.. anyway, magtaka tayo kung saktong 6 lang ang putok nun. dapat laging exage, pinoy cinema eh! laugh.gif

---ah si lapid nga.. diba senator yun?
Les Infanterie
kaya nga!!! yung sinabi mong name... 1. 2nd yung nanay ni 1. then 3rd yung ^.

tinanong mo pa? opo. bahagi siya upper house.
bryanne
onga!.. utak daga naman oh..

kaso, how can he run for the mayor's office kung senator siya?
Les Infanterie
^ yun nga yung madaya sa congress. they dont have to give up their position unless confirmed na sila sa kanilang new position.

kaya example na diyan sina ping lacson at raul roco (RIP). ran for pres 2004 and in 1998 respectively (parang testing the waters) pero dapat they should have resigned from their post to be able to run.
ginawa na rin iyan ng ibang mga congressmen na naaappoint as cabinet members. kaya nga rin pahamak diyan si butch abad. nagresign kaagad eh hindi naman siya kinonfirm ng commission on appointments paglipat niya as educ sexytary.

malamang ganun din gagawin nitong LL na ito. kapag natalo, balik senado lang siya. and ang purpose lang naman nila diyan eh paalisin si binay para walang kontra sa admin. pasaway kasi siya sa paningin ng pandak.
bryanne
itong si lacson naalala ko ginamit pa ang beat ng coke. hehe. "eto ang beat..". malamang may "boom tarat tarat" diyan..
Les Infanterie
the more catchy the better.
bryanne
pero keep in mind na hindi 'to pagandahan ng jingle.. hehe..
Les Infanterie
sino bang target market ng mga jingle?
bryanne
mga registered voters? huh.gif
bryanne
daming rally-ista ang nangugulo sa asean summit! arrrgh.. dry.gif
Les Infanterie
QUOTE(bryanne @ Jan 8 2007, 10:21 PM) *
mga registered voters? huh.gif


d at e market. sila ang kakagat doon. kapag nakakanta ko, iboboto ko.
bryanne
di lang. may mga higher classes na kinagat din ang ganyang uri ng mga kanta (ano nga bang genre yan? novelty? hehe..).. lagot na?
bryanne
wow, parang class ang pag-organize ng cebu sa asean summit.. bagong-bago pa ang CICC.. mabuti yan. wink.gif
bryanne
tapos na ang ncae! yehey
Les Infanterie
QUOTE(bryanne @ Jan 11 2007, 09:35 AM) *
daming rally-ista ang nangugulo sa asean summit! arrrgh.. dry.gif


paminsan hindi natin nakikita na may makabuluhang dahilan silang ipinaglalaban.
dynasty na rin ang mga garcia sa cebu, at protected ng administration yan. malaking bagay ang cebu noong last presidential elections. rolleyes.gif
Les Infanterie
^ nag ncae ka? hmm ano kayang career yan?? singer? dancer? joke.
para sa orsem na yan! haha!
bryanne
nationwide, mandatory test po yun. hindi makakapagcollege ang isang senior high ngayon kung hindi siya papasa run. kahit nakapasa siya sa UP, ADMU, UST o Harvard pa, kung hindi siya pasado sa NCAE, walang wenta rin.. well, either bagsak siya sa vocational course o tambay na lang kung saan..

QUOTE(Les Infanterie @ Jan 17 2007, 07:34 PM) *
^ nag ncae ka? hmm ano kayang career yan?? singer? dancer? joke.
para sa orsem na yan! haha!


Lol. hehe. di nu. biggrin.gif kaw na lang kaya!

pero may ganung career preference. kaso ba't nag-highschool pa? kakanta at sasayaw rin lang.. tongue.gif
Les Infanterie
yeah alam ko. hindi ko lang alam na implemented na at in-administer na pala kahapon. akala ko to take effect some other school year pa.

hindi rin siguro. may art din dun. kaya nga may chk ang up.
bryanne
ang swerte dahil kami ang unang sinabak. hooo..

kasi may distinction pa rin yung term na "musician" or "artist" sa "singer" at "dancer". hehe..
Les Infanterie
^ haha pioneers!

depende na lang din sa POV.
bryanne
privilege pa e!

asar lang, hindi dahil sa mahirap kundi dahil SOBRAng dali.. parang ganun lang ba ang kabataan ngayon?! heck.. tongue.gif
Les Infanterie
eh alam mo naman ang standards ng public school... ("public schools" meaning yung mga napagkaitan ng budget, shempre there are still a lot of public na way better than private.)
bryanne
sabagay. pero.. basta, dapat yung appropriate standard pa rin, kasi may objective nga eh. kung ganun rin lang, bakit pag nag-ncae?! hehe..

anyway, tama. dami ring public na magaling. ---OT: dun nga sa math quiz bee sponsored by cong. vic sumulong (math masters) last year, ang mga "nagsipagwagi" ay halos puro public schools.. smile.gif
Les Infanterie
eh kung "walang kwenta" nga yung standard. hopeless? smile.gif
bryanne
sila?.. siguro.. biggrin.gif

tingin ko kasi kung mag-i-spend sila ng pera para diyan, dapat yung matindi na. tongue.gif hindi yung parang give away na rin.

or better yet, sa basic curriculum pa lang, lagyan na ng "challenge" ang pag-aaral at magkatrend na ng "competence".
Les Infanterie
amen na lang ako diyan. smile.gif

sana naman marunong na magbasa kapag umabot ng grade 2. *sigh*
bryanne
sana ang mga butihing magulang sa bahay pa lang, simulan na!
Les Infanterie
paano kung walang materials? sad.gif
bryanne
maghanap!!! wag itanong sa akin. maghanap!!! hehe..

gringo, gustong tumakbo! ..lagot na..
Les Infanterie
sama- sama sila. wala akong maisip na iboto. siguro mga 3 pa lang.
bryanne
expense lang yan.. walang kita.
Les Infanterie
ang alin?
bryanne
eleksyon(?). hehe. may kita pala- yung mga politiko at supporters.. kung mananalo. biggrin.gif
Les Infanterie
vicious cycle lang iyan. ginawa ng family business.
gastos? kung para sa ikabubuti at ikatatahimik ng bansa, why not?
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2012 Invision Power Services, Inc.