joescoundrel
Sep 16 2005, 03:09 PM
Mga katoto kailangan kayo ng Ladies natin sa Sunday in their Final 4 matchup vs UP, twice to beat ang UP so we could use all the lovin' you can give!
bandahooo
Sep 19 2005, 09:07 PM
ang saya ng band jamming with UST and DLSU after the cheercomp
the_sniper
Sep 19 2005, 10:40 PM
ARJAY SARTE IS THA MAN hwaha
arjay - pakitaan mo naman ako ng hangtime sa covcourts

blue babble band, you guys provide the necessary THUNDER in every single game, and just like the previous posts, kainin niyo ng buhay every band that dares come in your way.
one band, one school, one sound
one big fight!
SECO
Sep 23 2005, 10:11 AM
Ang sarap maging banda, dati. Ngayon hindi ko alam. Umalis kami sa banda dahil iyon ang pinakamaganda para sa Ateneo. Mayroong kasi kaming mga hindi gusto sa sistema ng banda at sa mga plano ng mga ibang tao para sa amin. Dahil sa aming pag-alis, nagkaroon sila ng pagkakataon na kumuha ng mga bagong taong papayag sa kanilang mga plano.
Pero kailangan ko rin ipaalam na hindi lamang ito ang dahilan ng pagkasira ng banda. Ang isa pang dahilan ay ang hindi pagrespeto ng aming coach sa pinili naming kapitan. Pano ka nga naman ba susunod sa taong hindi mo binoto at hindi mo ginagalang bilang isang kapitan, kung isang kaibigan ay maari pa. Tila nakalimutan ng aming coach ang isa sa mga susi ng tagumpay ng aming banda - DEMOKRASYA. Hindi niya nirespeto ang kapitang aming inihalal dahil hindi niya ito mahahawakan sa leeg. Tama ba yun? Kelan pa nangyari yun. Medyo matagal na akong banda at alam kong ang kapangyarihan kung sino ang magiging kapitan ay nakasalalay sa mga miyembro ng banda o kaya naman sa paalis na kapitan at HINDI LAMANG SA COACH.
Umang maging patas naman, mainam naman ang aming coach. Hindi ko maitatanggi na marami siyang naturo sa banda, lalo na sa Drumline. Dahil doon, salamat. Ngunit nagkoroon rin siya ng mga pagkukulang, at marahil kami rin.
At tapos na ang kuwento, wala na kami at mayroon ng bagong banda.
Para naman sa bagong banda, marami pa kayong kailangan malaman. Isang payo lamang, maging mapagkumbaba kayo. Sa mga nagpapasikat lamang sa mga caf raid, tumigil na kayo, kilala niyo na ang mga sarili niyo. Isa pang puna sa mga caf raid, sana ay mga beat lamang ng ating banda ang inyong pinapalo. Nakakahiya kasing papalo kayo ng beat ng ibang iskul, ang masagwa pa roon ay minsan ay mali-mali pa. Sayang lamang at hindi mararanasan ng mga bagong banda ang mga dinanas namin nung kami ay bago. Iba na talaga ang banda, at hindi na maibabalik sa dati. Ang magagawa niyo na lamang ay pagbutihin ang mga trabaho niyo at panindigan ang pinasok niyo. Tandaan niyo, hindi mahalagang nakikita ng mga tao ang banda, ang mahalaga ay naririnig nila kayo at nararamdaman ang mga hataw niyo hanggang sa kalooblooban ng kanilang mga katawan. Ayusin niyo ang ginagawa niyo at itaas niyo muli ang banda sa dating kinalalagyan nito.
Para naman sa kapitan niyo ngayon, sana ay maging gabay ka sa mga bago upang malaman nila ang mga kailangang malalaman. Huwag na huwag mong kalilimmutan ang DEMOKRASYA.
Para naman sa coach ngayon, na aking coach rin noong nasa hi-skul ako, sana ay mas makihalubilo ka sa mga tao sa banda.
Para naman sa mga epal, marahil si GREENISGOOD nga ang tinutukoy ko dito, huwag kang magsasalita kung wala kang alam. Wala akong pakialam kung sino ka, huwag ka lamang sana magmarunong. Wala ba kayong pilosopiya sa pinanggagalingan mo paaralan at hindi mo alam na "ang nagmamarunong ang siyang talagang walang alam."
Kung bakit kami dito sa forum nag-uusap dahil hindi kami takot malaman ng mga tao ang katotohnan, at marahil ito rin lamang ang paraan namin upang makipag-usap sa isa't isa sapagkat hindi naman namin nakakasama ang mga bagong banda. Hindi rin kasi kami puwede dumalaw sa kanilang mga praktis.
Nanghihinayang lamang ako na ang pamilyang nabuo namin dati sa banda ay wala na. Nakalulungkot talaga.
Ngunit lahat ng mga ito ay nakaraan na. Para sa mga taong umalis katulad ko, may bago na kaming mga buhay. Para naman sa mga bago at mga nanatili, pagbutihan niyo ang trabaho niyo at panindigan niyo ang pinasok niyo.
Itaas niyo muli ang banda. Galingan niyo sa Sunday.
SECO - SECOSTYLE
zuma169
Sep 23 2005, 12:59 PM
iba ka SECO! Mabuhay Ka!
admuhataw
Sep 24 2005, 01:52 PM
tama si seco.. hindi kailangan magpasikat at gamitin ang marching snare para mag promote.. pero sa nakikita ko meron pag-asa.. may mga bago rin na masisipag at TOTOO hindi tuta! ayos un! alien.. hataw sa linggo.. vinlu,kaloy magpakita na kayo!!! haha..
admuhot
Sep 25 2005, 01:50 AM
umm wala kasi ako alam sa drums, pero saan ba dapat gagamitin ang marching snare? hehe wala ako idea kasi.
theincrediblewildman
Sep 25 2005, 01:56 AM
Seco Style is Back! Ah Yes! It has been a while!
admuhot
Sep 25 2005, 06:41 PM
Congratulations BAND! Hindi kayo huminto even though tambak na ang Ateneo.
Congratulations BAND! Ang ganda ng halftime (drumline) niyo!
Congratulations BAND! For being the force behind the Ateneo Gallery!
Next year ulit!
miggzs
Sep 25 2005, 10:37 PM
QUOTE(admuhot @ Sep 25 2005, 01:50 AM)
umm wala kasi ako alam sa drums, pero saan ba dapat gagamitin ang marching snare? hehe wala ako idea kasi.

marching snares are used for whatever performance, the most notable being the drumline.
bandahooo
Sep 25 2005, 10:59 PM
Ateneo, thank you for your support for the drumline at the game this afternoon. We only had 5 days to prepare for it, which included composing AND practicing. Salamat talaga and we hope you enjoyed the little show. Para sa inyo yon!
Banda: The show ain't over yet, mehn. Looking forward to another season with you guys. Ituloy nyo lang ang pagbuhos ng lahat ng kaya nyo sa bawat laro. Alabyoo banduuuuhhhh!!
5FootCarrot
Sep 26 2005, 07:38 AM
I'd like to commend the band for a great performance yesterday. Thank you for giving it your all during the game, and for that great halftime show.
Will you be present for the Lady Eagles' championship series against Adamson? I hope so.
demonray
Sep 26 2005, 08:21 PM
to everyone who supported the 'drumline', sobrang thank you! we promise to do better, and i know we will be better with time. like what bandahooo said, we only had about 5 days to prepare for it, which included composing and practicing. what more if given more time?
salamat talaga! sana nagenjoy kayo hehe!
ulitin ko lang, Banda: The show ain't over yet. i'm looking forward to another season with everyone! continue shouting, hitting, beating, and cheering!
the_merovingian13
Sep 27 2005, 09:09 PM
Galing niyo Banda! You clearly showed DLSU Pep how a drumline should be done.
Kumbaga, hindi porket may drum ka sa may baba ng court at "humahataw" ka eh
drumline ng matatawag. Astig ang GO ATENEO pati KUWATRO, pero priceless yung turo
sa crowd (or sa Pep) ng DLSU sabay laglag ng beater. Well Oiled Machine talaga kayo..
Looking forward towards next year, mali pala, Second Sem para football season.
Subukan niyo magdrumline dun, tingnan natin kung makagaya pa La Salle..haha
Hataw lang mga dude! One Big Fight!
macca
Sep 28 2005, 06:26 PM
GO BABBLE BAND =)
tinola
Oct 1 2005, 10:55 PM
Now that the Uaap season is over, what's next for the Blue Babble Band?
jancarlo
Oct 1 2005, 11:02 PM
UAAP Season is not yet over. There's still Football which is the next crowded sport.
They will be there again every game to cheer for our Blue Booters.
yoyo
Oct 1 2005, 11:08 PM
galing niyo banda! Hanga ako sa dedication at commitment niyo. Cheer lang ng cheer! Good luck sa football!
tinola
Oct 1 2005, 11:13 PM
Onga pala.. hehe nawala sa isip ko may football pa pala. My bad.

anyway, Goodluck guys!
tneorxmywrld
Oct 9 2005, 09:13 AM
hey guys.. just wondering, sino yung team captain ng bbb?
i saw him sa red gate ng araneta after the dlsu-admu game, and he was teary-eyed while talking to his babble mates. kakalungkot tuloy.
spirit65
Oct 11 2005, 04:23 PM
QUOTE(demonray @ Sep 26 2005, 08:21 PM)
to everyone who supported the 'drumline', sobrang thank you! we promise to do better, and i know we will be better with time. like what bandahooo said, we only had about 5 days to prepare for it, which included composing and practicing. what more if given more time?
salamat talaga! sana nagenjoy kayo hehe!
alam nyo medyo boring na yung repertoire natin ng cheers during halftime but the drumline - i have been waiting from the opening game of the basketball season for that - asteeg !! for me the highlight of the blue babble for the basketball season ...
we certainly enjoyed it and hope to see it again and again ...
bandahooo
Dec 10 2005, 12:35 AM
bandaaaa! i was so proud to play with you guys at yesterday's game. SOBRA. that was probably the most tiring game i've EVER played. we were there since 6pm pa and we ended at 11. we were all starved and exhausted.. but i was so proud to hear good feedback that we totally drowned out lasalle yesterday. congratulations, banda. congratulations, BABBLE! props to the fresh faces of yesterday's leaders. wuhoooo!! JANNO WE LABS YOOOU!
(and thanks to the high school for playing with us and lending us your drums. yay!)
atenean_blooded
Dec 10 2005, 01:27 AM
Mga kaibigang nasa banda, pakibasa na lang yung comments ko dun sa isang Babble thread. Bawal kasi yata mag-double post.
Magaling kayo kahapon.
5FootCarrot
Dec 10 2005, 09:41 AM
Bakit mo naman kasi doon sa kabila nilagay yung comments mo para sa banda?
atenean_blooded
Dec 10 2005, 10:08 AM
Basahin mo na lang.
5FootCarrot
Dec 11 2005, 09:04 AM
Oh, wow, that was a snappy comeback.
I hope it puts your mind at ease to know that I read your post in that other thread before coming here. (Before I posted here yesterday, that is.)
PS Thank you to the band for sending drummers to the Ateneo-San Beda game last night. I'm sure the team really appreciated having the microcosm of the usual UAAP crowd present, too.
theincrediblewildman
Dec 11 2005, 09:06 PM
Nagbalik na ang dating lakas ng banda.
eto na ang hinihintay ng lahat.
Sana tuloy tuloy na at hindi na masira ang sistema.
banda hoo!
jkad
Feb 15 2006, 11:33 AM
For aspiring Blue Babble Band members, hone your skills, check out:
http://www.vicfirth.com/education/rudiments.html
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please
click here.